top of page

PAGSULAT

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

02 MARSO 2014                               LINGGO NG PAGBA-BAGONG ANYO                                          YEAR A _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

Linggo ng Pagba-Bagong Anyo

TRANSFIGURATION SUNDAY

 

Kapahayagan ng Iglesiang Binago sa Wangis ng Panginoon

EPIPHANY OF A CHURCH TRANSFIGURED IN THE IMAGE OF GOD

 

Hindi kami sumunod sa mga kathang-isip nang ipakilala namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Jesucristo, sapagkat nakita namin nang ipagkaloob sa kaniya ng Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian nang kami ay kasama niya sa banal na bundok. (2 Pedro 1:16-18)

 

Ang kuwento ng paglaya ay kuwento din ng pagbangon . . . Pagbangon taglay ang bagong kamalayan na ang Iglesia ay patuloy na nakikipaglalakbay kay Kristo tungo sa ganap na pagba-Bagong Anyo sa Wangis ng ating Dakilang Manlilikha.

 

I

 

Ang Iglesiang binabago ang anyo sa wangis ng Panginoon ay makararanas ng mala-taluktok ng bundok na karanasan sa kanilang pakikipagtagpo sa Diyos sa pananambahan sa mga dakong banal at gayon din naman sa kanilang paghayo sa mga ordnaryong pook na pinupuntahan ng mga ordinaryong tao upang sila ay paglingkuran.

 

Nakita rin ng mga tao ang kaluwalhatian ni Yahweh na parang nagniningas na apoy sa taluktok ng bundok.

(Exodo 24:17)

 

Ang pakikipagtagpo sa Diyos na Banal ay maaaring maganap sa mga dakong hindi banal, sa mga sandaling hindi banal at sa piling ng mga taong tulad natin ay hindi banal ngunit nangangailangan ng banal at mahabaging pagkalinga ng Panginoon.

 

II

 

Ang Iglesiang binabago ang anyo sa wangis ng Panginoon ay binibigyan ng kapangyarihang makapagpahayag ng mensaheng mapagkakatiwalaan at makapagbabago ng personal na buhay at buhay lipunan sa gabay ng Banal na Espiritu.

 

Taglay namin ang salita ng mga propeta na lubos na mapagkakatiwalaan. Makakabuting isaalang-alang ninyo ito. Ang katulad nito ay isang ilawan na nagliliwanag sa kadiliman hanggang sa mabanaag ang bukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumikat sa inyong mga puso. Higit sa lahat, dapat ninyong unang malaman na alinmang pahayag sa kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling paliwanag. Ito ay sapagkat ang mga pahayag ay hindi dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao ngunit nagsalita ang mga banal na tao ng Diyos nang sila ay ginabayan ng Banal na Espiritu. (2 Pedro 1:19-21)

 

Ang Ebanghelyo ni Kristo ay walang kinikilalang relihiyon liban sa relihiyon panlipunan, walang kabanalan liban sa kabanalang panlipunan. (John Wesely) Ang salita ng mga propeta ay mensaheng panlipunan.

 

III

 

Ang Iglesiang binabago ang anyo sa wangis ng Panginoon ay binibigyan ng bagong kamalayan hinggil sa mga dating bagay at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang panahon.

 

Pagkaraan ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro at Santiago, at si Juan na kaniyang kapatid. Dinala niya silang bukod sa isang mataas na bundok. Nagbagong-anyo siya sa harap nila. Nagliwanag ang kaniyang mukha na parang araw. Pumuti ang kaniyang mga damit na gaya ng busilak ng liwanag. Narito, biglang nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya. Sinabi ni Pedro kay Jesus: Panginoon, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Kung ibig mo, gagawa kami rito ng tatlong kubol. Isa ang para sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias. Habang nagsasalita pa siya, narito, nililiman sila ng isang maningning na ulap. Narito, may isang tinig na buhat sa ulap na nagsasabi: Ito ang pinakamamahal kong Anak na labis kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya. (Matthew 17:1-5)

 

Nagpapahayag ang mga propeta noong una hinggil sa mga bagay na darating sa layuning makapagbago ng kamalayan ng bayan ng Diyos pra sa pagbabago ng perdonal na buhay at buhay lipunan. Sa ikapagbabago ng iglesia at ng lipunan isusugo niyang muli ang espiritu ng mga propeta sa mga Iglesiang handang mabago

ang anyo sa wangis ng Panginoon.

 

 

 

Epiphany of a Church Transfigured in the Image of God

ANG KAPAHAYAGAN NG IGLESIANG BINAGO SA WANGIS NG PANGINOON

 

We were not following cleverly devised stories when we  made known  to you the power and coming of our Lord Jesus Christ, but we were eyewitnesses of His majesty . . . when He was invested with honor and glory from God the Father . . . for we were together with Him on the holy mountain. (2 Peter 1:16-18)

 

The story of liberation is also a story of rising up with a new consciousness that the Church remains on a journey with Christ  towards  perfect transfiguration in the image of God.

 

I

 

A church being transfigured in the image of God must necessarily have that mountain top experience as it encounters God in worship in some holy place and in the service of the people in most common and ordinary places.

 

Now the appearance of the glory of the LORD was like a devouring fire on the top of the mountain in the sight of the people. (Exodus 24:17)

 

An encounter with the Holy One may occur in some unholy place at some unholy hour with some unholy souls in need of Christ's most holy and compassionate care.

 

II

 

A church being transfigured in the image of God is anointed to proclaim a message so powerful, as to transform personal, social and national life with the guidance of the Holy Spirit.

 

We have the prophetic message more fully confirmed. You will do well to be attentive to this as to a lamp shining in a dark place, until the day dawns and the morning star rises in your hearts. First of all you must understand this, that no prophecy of scripture is a matter of one's own interpretation, because no prophecy ever came by human will, but men and women moved by the Holy Spirit spoke from God. (2 Pedro 1:19-21)

 

The Gospel of Christ knows no religion but social religion, no holiness but social holiness. (John Wesley)

The Gospel of Christ that the prophet preaches is indeed a social gospel.

 

III

 

A church being transfigured in the image of God is gifted with a discernment to understand former things and  to reinvent them to fix the present human brokenness.

 

Six days later, Jesus took with him Peter and James and his brother John and led them up a high mountain, by themselves. And he was transfigured before them, and his face shone like the sun, and his clothes became dazzling white. Suddenly there appeared to them Moses and Elijah, talking with him. Then Peter said to Jesus, "Lord, it is good for us to be here; if you wish, I will make three dwellings here, one for you, one for Moses, and one for Elijah." 1While he was still speaking, suddenly a bright cloud overshadowed them, and from the cloud a voice said, "This is my Son, the Beloved; with him I am well pleased; listen to him!" (Matthew 17:1-5)

 

The prophet of old preached about the image of things to come in order to create a new consciousness among the people of God for their own personal, social and national transformation. For the transformation of the nation, particularly the Church and to bless the land with scriptural holiness, God raised a people with

prophetic vision and called them Methodists.

 

SUSUNOD :  Kuwaresma

 

 

 

 

 

 

____________________________________________________________________________

 

As we journey on through the valley...with Christ, let us bring the books we read, the songs we sing, the reflections we write,

the pictures we keep and the people we love.

 

bottom of page