
Ang Iglesia Metodista . . . through the valley with Christ
"This one thing let us do, forgetting those things which are behind, and reaching forth unto those things which are ahead, let us press toward the mark, for the prize of the high calling of God in Christ Jesus" (Philippians 3:13-14); crying unto him day and night, till we also are "delivered from the bondage of corruption, into the glorious freedom of the children of God!" (Romans 8:21)
John Wesley, A Plain Account of Christian Perfection, 1872
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
19 ENERO 2014 IKA-2 LINGGO MAKALIPAS ANG KAPAHAYAGAN TAON A
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Kapahayagan ng Pagka-Alagad
Kinabukasan nang makita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya : Narito, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan. (Juan 1:29)
Ang Pagkilala, Pagsunod, at Pakikipag-Isa sa Kordero ng Diyos ang mga susing sangkap ng Pagka-Alagad.
I
Ang Pagkilala sa Kordero ng Diyos ang unang susing sangkap ng Pagka-Alagad
Kinabukasan, si Juan ay muling nakatayo roon kasama ang dalawa sa kaniyang mga alagad. Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya: Narito, ang Kordero ng Diyos. (Juan 1:35-36)
II Ang Pagsunod sa Kordero ng Diyos ang ika-2 susing sangkap ng Pagka-Alagad
Narinig ng dalawang alagad nang siya ay magsalita. Sumunod sila kay Jesus. (Juan 1:37)
III
Ang Pakikipag-Isa sa Kordero ng Diyos ang ika-3 susing sangkap ng Pagka-Alagad
Paglingon ni Jesus at nakita silang sumusunod. Sinabi niya sa kanila. . .Halikayo. . . Sila ay pumaroon at . . . Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon (Juan 1:39)
Liwanag mong Taglay : Kapahayagan ng Pagka-Alagad
Sa liwanag ng pagkaunawa nina John Wesley hinggil sa layunin ng Diyos sa pagtitindig ng mga mananampalatayang tinaguriang mga Metodista, bigyan natin ng pangalawang titulo ang repleksyon ito :
Kapahayagan ng Metodistang Alagad ni Cristo
EPIPHANY OF A METHODIST DISCIPLE OF CHRIST
Gamit ang ilang piling talata mula sa leksyonaryo para sa ika-3 Linggo Makalipas ang Kapahayagan, iminumungkahi ko ang sumusunod na balangkas -
IV
Liwanag sa Bansa
en-Light-ened to help reform the nation
May mas mahalaga pa Akong ipagagawa sa iyo...gagawin kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas...Makikita ng mga hari ang pagpapalaya sa iyo; sila'y titindig bilang pagpaparangal sa iyo. At yuyukod ang
mga prinsipe bilang paggalang sa iyo, sapagkat hinirang ka ni Yahweh, ang banal na Diyos... (Isaias 49 : 6-7)
Hindi lumaganap ang lahi ng "alagad na sumisigaw sa ilang". . . mas marami ang pumili na magsigawan na lamang sa loob ng kapilya (praise & worship) at tinagurian silang mga mananampalatayang "Joy to the World". . . Ngunit malungkot kung ang mga mananampalatayang minsan tinaguriang mga Metodista ay mabansagan mananampalatayang "Silent Night" (???)
Gagawin kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas...
V
Liwanag sa Iglesia
en-Light-ened to help reform the church
Sumusulat ako sa iglesiya ng Diyos na nasa Corinto, na mga itinalaga kay Cristo Jesus. Sa kanila na tinawag na mga banal kasama ang lahat ng nasa bawat dako, na tumatawag sa pangalan ni Jesucristo
na kanilang Panginoon at ating Panginoon. (1 Corinto 1:2)
Hindi rin lumaganap ang lahi ng "alagad na sumusulat maging mula sa kanyang seldang rehas". . . mas marami ang pumili na lamang manatiling "copy-paste preacher," dati, "circuit rider" . . . sermon Ingles pa rin daw ang patok sa mga mananampalatayang kolonyal pa rin ang isipan, di kopyahin na lang si Billy Graham, Bill Bright, at William Barclay at ang sermon resources ng GBOD. Ngunit malungkot kung ang mga mananampalatayang minsan tinaguriang mga Metodista ay mabansagan mananampalatayang "GBGM forever. . . UMC for life" (???)
Makikita ng mga hari ang pagpapalaya sa iyo... Sa kanila na tinawag na mga banal kasama ang lahat ng nasa bawat dako, na tumatawag sa pangalan ni Jesucristo na kanilang Panginoon at ating Panginoon.
VI
Liwanag sa Buong Lupain
en-Light-ened to help spread scriptural holiness over the land
Sacrifice and offering you do not desire. . . Burnt offering and sin offering you have not required. (Awit 40 : 4-6) He has shown you, O mortal, what is good. And what does the Lord require of you? To act justly and to love mercy and to walk humbly with your God. (Micah 6:8)
Hindi rin lumaganap ang lahi ng mga propetang nagtataguyod ng relihiyon at kabanalan panlipunan - "The Gospel of Christ knows of no religion but social, no holiness but social holiness." Ngunit malungkot kung ang mga mananampalatayang minsan tinaguriang mga Metodista ay hindi maranasan ang kapahayagan ng paglaya (Epiphany of Liberation) sa kanilang sariling panahon, lalo pa ang mga nagsipagtapos sa Union Theological Seminary. . . sa kanilang sertipiko ng pagtatapos ay nakatitik ang pananagutan : Pinalaya upang Magpalaya (Set Free to Liberate) !
Sa bigat ng pananagutan ito, hindi natin pagtakhan ang marubdob na paalala ni John Wesley sa mga mananampalatayang tinagurian mga Metodista -
I am not afraid that the people called Methodists should ever cease to exist either in Europe or America. But I am afraid lest they should only exist as a dead sect, having the form of religion without the power. And this undoubtedly will be the case unless they hold fast both the doctrine, spirit, and discipline with which
theyfirst set out.” (John Wesley)
Is the prophetic epiphany of the death of The United Methodist Church now re-emerging and is fast coming to pass - "The United Methodist Church in the United States has been in decline since the 1960s. In 2002, the rate of decline markedly increased and has persisted. If this ten-year trend continues, the denomination will cease to exist as we know it in 37 years," reads the summary in part. "Today, there is no single strategy in place seeking to arrest the decline. The Church has already disassembled some of its infrastructure. To reverse the decline, an effective strategy must be implemented." (Donald R. House, quoted in Michael Gryboski, "Economist Pitches Plan to Reverse Decline of UMC Before It Ceases to Exist As We Know It" Christian Post Reporter, 31 July 2013, http://www.christianpost.com) Sa liwanag ng tila hindi na mapigil na pagdausdos ng kasapian ng UMC sa America, may tiwala pa rin tayo na hindi magwawakas ang paglilingkod ng kapatiran Metodista sa pagpanaw ng UMC sa America. . .hindi sa liwanag ng kapahayagan ng mga Metodistang Alagad ni Cristo sa tamang kapanahunan.

This Brightness That You Bear © Jan L. Richardson
____________________________________________________________________________
As we journey on through the valley...with Christ, let us bring the books we read, the songs we sing, the reflections we write,
the pictures we keep and the people we love.