top of page

PAGSULAT

 

Sunday Journal . . .

 

                              als

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

What manner of man was John Wesley? His journal bids us, come flip my pages and see -

 

He who desires to understand the real history of the English people during the seventeenth, eighteenth and nineteenth centuries should read most carefully three books: George Fox’s Journal, John Wesley’s Journal, and John Henry Newman’s Apologia pro Vita Sua. As Lord Hugh Cecil has recently said in a memorable speech, the religious question cannot be ignored. It is the question; in the deepest sense it is the only question. It has always determined the course of history everywhere. . . (Rev. Hugh Price Hughes, "INTRODUCTION," Journal of John Wesley, http://www.ccel.org)

 

No man lived nearer the center than John Wesley. . .You cannot cut him out of our national life. No single figure influenced so many minds, no single voice touched so many hearts. No other man did such a life’s work for England. As a writer he has not achieved distinction, he was no Athanasius, no Augustine, he was ever a preacher and an organizer, a laborer in the service of humanity; but happily for us his Journals remain, and from them we can learn better than from anywhere else what manner of man he was, and the character of the times during which he lived and moved and had his being. (Augustine Birrell, “Appreciation,” Journal of John Wesley, http://www.ccel.org)

 

What manner of people are we? We are the people called Methodists after the heart and mind and manner of John Wesley in the service of God and neighbor . . . We are called to faithfully account for such manner of life in our own individual journals bearing a common FOREWORD written for us by John wesley himself :  "The best is . . . God is with us!"

 

"If it is not worth writing, it is not worth preaching". . . Where on earth did I read that? I wish I could remember. . .

 

Hence, Sunday Journal to achieve preaching integrity and remembering what manner of people we are

at the speed of touch.

 

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

  31 DECEMBER 2013                                            COVENANT SERVICE           MALIGAYA METHODIST CHURCH, CALOOCAN CITY  ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

Tipan ng Paglaya

 

Bayan...Bayani...Bayanihan

 

Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang paghaharing inihanda sa inyo mula pa nang itatag ang sanlibutan. Ito ay sapagkat nagutom ako at binigyan ninyo ako ng makakain. Nauhaw ako at binigyan ninyo ako ng maiiinom. Ako ay naging taga-ibang bayan at ako ay inyong pinatuloy. Ako ay naging hubad at dinamitan ninyo. Nagkasakit ako at ako ay inyong dinalaw. Nabilanggo ako at ako ay inyong pinuntahan...Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin. Mateo 25:34-36, 40

 

Ang May-Akda ng Kasaysayan ang humihirang ng kalulugdang bayan... kalulugdang bayani... at kalulugdang uri ng pamamahala at paglilingkod.

 

[Mga Batayang Talata mula sa Mga Unang Aralin]

i

Ang May-Akda ng Kasaysayan ang humihirang ng kalulugdang bayan...

 

Ngunit ikaw, Betlehem Efrata, bagama't pinakamaliit ka sa angkan ng Juda ay magmumula sa iyo ang isang mamumuno sa Israel...pamamahalaan niya ang kanyang bayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahweh...at ang Israel ay mamumuhay

na ligtas, sapagkat kikilalanin ng buong daigdig ang haring iyon. At sa kanya magmumula ang kapayapaan. Micah 5:2-4

 

O little town of Bethlehem, how still we see thee lie! Above thy deep and dreamless sleep the silent stars go by. Yet in thy dark streets shineth the everlasting Light; The hopes and fears of all the years are met in thee tonight.

 

ii

Ang May-Akda ng Kasaysayan ang humihirang ng kalulugdang bayani...

 

Ito ang pinakamamahal kong Anak na labis kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya. Mateo 17:5

 

iii

Ang May-Akda ng Kasaysayan ang humihirang ng kalulugdang uri ng pamamahala at paglilingkod...

 

Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung

may pag-ibig kayo sa isa't isa. - Juan 13:35

______________________________________________________________________________________________________________________________________

 

I

Ang May-Akda ng Kasaysayan ang humihirang ng kalulugdang bayan

 

Ang lahat ng kaganapan sa daigdig ay nagaganap sa panahong itinakda ng Diyos...Panahon ng pagwasak at panahon ng muling pagtitindig...Panahon ng paghihiwalay at panahon ng muling pagyayakap...Panahon ng pagdirigma at panahon ng kapayapaan...

(Ecclesiastes 3 : 1, 3, 7-8)

 

Tila sa mga panahong nagaganap ang mga nabanggit, di man nabanggit ang mga kadahilanan, ang pagkilos ng Diyos tungo sa pagsasauli o pagpapabuti sa dating kalagayan ay para sa kapakanan ng Kanyang kinalulugdang bayan na Kanyang hinirang bilang Kanyang sariling bayan - Pinili ng Diyos na panigan ang Israel sa pananakop ng Palestina (1 Samuel 17)... Pinanigan ang mga Israelita sa pang-a-alipin at pagmmalabis ng mga Egipcio (Exodo 14)... Pinanigan ang mga nanambahan sa pandaraya ng mga lider ng simbahan (Saserdote, Pariseo, Saduseo, Scriba) Cf : John 7 :4 32-52, Mateo 9 : 14-17, Luke 11 : 37-54

 

II

Ang May-Akda ng Kasaysayan ang humihirang ng kalulugdang bayani

 

Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao. Siya ay mananahang kasama nila. Sila ay magiging mga bayan niya. Ang kanilang Diyos mismo ang sumakanila at siya ang kanilang magiging Diyos. Pupunasin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata. Mawawala na ang kamatayan, ang pagtangis, ang pag-iyak o ang kabalisahan. Ang mga bagay sa nakaraan ay lumipas na (Pahayag 21: 3-4)

 

Ang kinalugdan at hinirang na Bayaning Tagapagpalaya... si David, ang nagtanggol sa mga Israelita at gumapi kay Goliath, ang bayani ng mga Pilisteo; si Moises, ang nagpalaya sa mga Israelita sa pang-a-alipin ni Faraon, hari ng mga Egipcio; si Jesus, ang nangaral at nagpalaya sa mga mananampalataya sa likong pangangaral ng mga lider ng sinagoga/templo, ang mga saserdote, escriba, fariseo at saduseo. . . sila ang naghatid sa tampok na senaryo ng kasaysayan ng pagpapalaya, ang bagong kaayusan, wala nang pagluha, wala nang kamatayan, wala nang pagtangis, pagiyak o kabalisahan. . .

 

III

Ang May-Akda ng Kasaysayan ang humihirang ng kalulugdang uri ng pamamahala at paglilingkod

 

Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang paghaharing inihanda sa inyo mula pa nang itatag ang sanlibutan. Ito ay sapagkat nagutom ako at binigyan ninyo ako ng makakain. Nauhaw ako at binigyan ninyo ako ng maiiinom. Ako ay naging taga-ibang bayan at ako ay inyong pinatuloy. Ako ay naging hubad at dinamitan ninyo. Nagkasakit ako at ako ay inyong dinalaw. Nabilanggo ako at ako ay inyong pinuntahan...Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin. (Mateo 25:34-36, 40)

 

Makalipas ang yugto ng pagpapalaya, ang pagtatakda ng bagong uri ng relasyaon, pamamahala at paglilingkod na magiging pundasyon ng bagong kaayusan ang ipinahihiwatig ng ikatlong aralin.

 

Makalipas ang unos . . .ang makapaminsalang bagyong Yolanda. . .nasaksihan ng buong daigdig ang uri ng bayanihan ng mga Filipino, mga kaibigan banyaga at nagkakaisang mga bansa (United Nations) sa sama-samang pagtulong at muling pagbangon... Ngunit nasaksihan din ang walang habas na pangungulimbat sa mga malls, tindahan, trak/sasakyang may kargang relief goods sa ngalan daw ng kakapusan. . .

 

Makalipas ang unos . . . ng Pork Barrel o maling paggamit ng salapi ng bayan . . .nasaksihan ng buong bansa ang bayanihan ng mga Filipino at ilan mga kaibigan banyaga sa pagkondena at sama-samang protesta tungo sa pagbaklas ng nalantad na kamalian . . . Ngunit nasaksihan din ang hindi pagkakasundo ng mga lider ng bansa hinggil sa pamamaraan ng pagtutumpak ng kamalian, lalo pa ang pagpapakumbaba ng mga nasasangkot . . .

 

Makalipas ang unos ... ng maling pakikialam ng UMC Council of Bishops sa domestic o lokal na usapin ng Iglesia Metodista sa Pilipinas . . . nasaksihan ng buong iglesia sa Pilipinas at sa buong Methodist connection ang bayanihan ng mga namulat sa kolonial na pamamahala ng Iglesia Metodista (UMC USA) at ang pag-a-aklas at pakikibaka tungo sa paglaya. . . Ngunit nasaksihan din ang pagmamatigas puso ng UMC Council of Bishops at mga Obispong Filipino na minsan din isinulong ang autonomiya ng Iglesia Metodista sa Pilipinas ngunit tinalikdan ang adhikain ito nang maluklok nang Obispo . . .

 

Di kaagad mauunawaan ang tunay na anyo ng relasyon, paglilingkod, at pamamahala makalipas ang unos sa mag unang yugto ng paglaya ngunit ngayon pa marapat lamang na ipahayag na natin ito sa tipan ng paglaya na ipapakipagusap natin sa ating dakilang Diyos na Siya rin May-Akda ng Kasaysayan, kasama na ang kasaysayan ng ating paglaya.

 

Covenant Prayer John Wesley

 

I am no longer my own, but thine.

Ako ay hindi na sa akin, kundi sa Iyo na.

 

Put me to what thou wilt, rank me with whom thou wilt.

Ilagay ako saan Mo man naisin, ihanay ako kasama ng pinili Mong kawan.

 

Put me to doing, put me to suffering.

Ilagay ako sa paglilingkod, ilagay ako sa pagdurusa

 

Let me be employed for thee or laid aside for thee,

Maglilingkod kasama mo o maisantabi dahil sa 'yo

 

exalted for thee or brought low for thee.

maitaas o maibaba dahil sa Iyo

 

Let me be full, let me be empty.

Mabusog o magutom

 

Let me have all things, let me have nothing.

Magkaroon ng kasapatan o ng kawalan

 

I freely and heartily yield all things to thy pleasure and disposal.

Malaya at taos puso kong isusuko ang lahat ng bagay sa Iyong kaluguran at kapasyahan

 

And now, O glorious and blessed God, Father, Son and Holy Spirit,

At ngayon, maluwalhati at mapagpalang Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo

 

thou art mine, and I am thine.

Ikaw ay sa akin, at ako ay sa Iyo

 

So be it.

Mangyari Nawa

 

And the covenant which I have made on earth,

At ang Tipan na aking simumpaan dito sa lupa

 

let it be ratified in heaven.

Pagtibayin nawa sa langit.

 

Amen.

 

SUSUNOD : Kapahayagan ng Paglaya

 

____________________________________________________________________________

 

As we journey on through the valley...with Christ, let us bring the books we read, the songs we sing, the reflections we write,

the pictures we keep and the people we love.

 

bottom of page