
Ang Iglesia Metodista . . . through the valley with Christ
"This one thing let us do, forgetting those things which are behind, and reaching forth unto those things which are ahead, let us press toward the mark, for the prize of the high calling of God in Christ Jesus" (Philippians 3:13-14); crying unto him day and night, till we also are "delivered from the bondage of corruption, into the glorious freedom of the children of God!" (Romans 8:21)
John Wesley, A Plain Account of Christian Perfection, 1872
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
26 ENERO 2014 IKA-3 LINGGO MAKALIPAS ANG KAPAHAYAGAN YEAR A ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
SUSUNOD : Kapahayagan ng Pinagpalang Paglilingkod

An Ancient Light by Jan L. Richardson
Kapahayagan ng Marangal na Paglilingkod
Ang mga taong nanahan sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag. Sumikat ang ilaw sa kanila nananahan
sa pook at lilim ng kamatayan. (Mateo 4:16)
Ang kuwento ng paglaya ay kuwento din ng pagbangon. Nahayag ito nang mula sa lupain na nasadlak sa kahihiyan ay nagtindig ang diyos ng mga Bayaning hinirang Niyang mga Alagad.
I
Ang kuwento ng paglaya ay kuwento din ng pagbangon. Ibinangon mula sa kahihiyan ang bayan pagmumulan ng mga bagong Bayani ng Pananampalataya.
Sapagkat binali mo ang pamatok ng kahirapann at ang mga bigatin sa kanilang balikat ay pinasan.
Pamalo ng mang-aalipin ay iyong binali nang gapihin mo ang mga mang-aapi. (Isaias 9:4)
II
Ang kuwento ng paglaya ay kuwento din ng pagbangon. Ibinangon mula sa kahihiyan ang Iglesia na nagtataglay ng Kanyang Pangalan.
Mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo na kayong lahat ay magkaisa sa mga sasabihin ninyo, at huwag magkaroon ng pagkakabahagi sa inyo. . . Ang bawat isa sa inyo ay nagsasabi: Ako ay kay Pablo, ako ay kay Apollos, ako ay kay Cefas, ako ay kay Cristo. Pinagbaha-bahagi ba si Cristo? Si Pablo ba ay ipinako sa krus ng dahil sa inyo? Isinugo ako ni Cristo upang ipangaral ang ebanghelyo. Ito ay hindi sa pamamagitan ng karunungan ng salita upang hindi mawalan ng halaga ang krus ni Cristo. (1 Corinto 1:10-17)
III
Ang kuwento ng paglaya ay kuwento din ng pagbangon. Ibinangon mula sa ordinaryong pagkakilala ang marangal na gawain ng pamamalakaya na naghahatid sa bawat hapag kainan ng ulam na katambal ng
kanin o tinapay - Kapahayagan ng Marangal na Paglilingkod.
Sinabi niya sa kanila: Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao. Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya. (Mateo 4:19-20)
____________________________________________________________________________
As we journey on through the valley...with Christ, let us bring the books we read, the songs we sing, the reflections we write,
the pictures we keep and the people we love.