top of page

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

02 PEBRERO 2014                                  IKA-4 LINGGO MAKALIPAS ANG KAPAHAYAGAN                                      TAON A

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

© JAN RICHARDSON, THE PAINTED PRAYER BOOK

 

Kapahayagan ng Pinagpalang Paglilingkod

Epiphany of Blessed Ministry

 

Pinagpala kayo kung kayo ay inaalimura ng mga tao at pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng masasamang salita na pawang kasinungalingan dahil sa akin. Magalak at magsaya kayong totoo sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Ganyan din ang ginawa nilang pag-uusig sa mga propetang nauna sa inyo. (Mateo 5 : 11-12)

 

Ang kuwento ng paglaya ay kuwento din ng pagbangon. . .pagbangon taglay ang bagong kamalayan, kahandaan, at kagalakan sa pakikipaglingkod sa Panginoon.

 

I

Ang Kuwento ng Paglaya ay Kuwento din ng Pagbangon. Pagbangon taglay ang bagong kamalayan hinggil sa tunay na paglilingkod na kalugod-lugod sa Panginoon.

 

"Ano ang dapat kong dalhin sa aking pagsamba kay Yahweh, and Diyos ng kalangitan? Magdadala ba ako ng guyang isang taon ang gulang bilang handog na sinusunog sa kanyang harapan? Malugod kaya siya kung handugan ko ng libu-libong tupa o umaapaw na langis ng olibo? Ihahandog ko ba sa kanya ang aking anak na panganay, ang laman ng aking laman, bilang kabayaran ng aking mga kasalanan? Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh : Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

(Micas 6: 6-8)

 

II

Ang Kuwento ng Paglaya ay Kuwento din ng Pagbangon. Pagbangon taglay ang bagong kamalayan higgil sa

tunay na karunungan at kapangyarihan ng Diyos.

 

Sisirain ko ang karunungan ng marurunong at pawawalang kabuluhan ang talino ng matatalino . . . Ito ay sapagkat ang kamangmangan ng Diyos ay higit sa karunungan ng tao at ang kahinaan ng Diyos ay higit sa kalakasan ng tao. . Kayo ay kay Jesu-Cristo. . .ang karunungan, katuwiran, kabanalan at katubusan para sa atin mula sa Diyos. (1 Corinto 1 : 18, 25, 29)

 

III

Ang Kuwento ng Paglaya ay Kuwento din ng Pagbangon. Pagbangon taglay ang bagong kamalayan higgil sa tunay na kahulugan ng pakikipag-Isa, pakikipaglingkod at pakikipag-alay sa Panginoon.

 

Pinagpala kayo kung kayo ay inaalimura ng mga tao at pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng masasamang salita na pawang kasinungalingan dahil sa akin. Magalak at magsaya kayong totoo sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Ganyan din ang ginawa nilang pag-uusig sa mga propetang nauna sa inyo. (Mateo 5 : 11-12)

 

SUSUNOD : Kapahayagan ng Hinirang na Mamamahayag

____________________________________________________________________________

 

As we journey on through the valley...with Christ, let us bring the books we read, the songs we sing, the reflections we write,

the pictures we keep and the people we love.

 

bottom of page