
Ang Iglesia Metodista . . . through the valley with Christ
"This one thing let us do, forgetting those things which are behind, and reaching forth unto those things which are ahead, let us press toward the mark, for the prize of the high calling of God in Christ Jesus" (Philippians 3:13-14); crying unto him day and night, till we also are "delivered from the bondage of corruption, into the glorious freedom of the children of God!" (Romans 8:21)
John Wesley, A Plain Account of Christian Perfection, 1872
____________________________________________________________________________
KUWARESMA
Sa Libis . . . Kasama ni Kristo
Through the Valley. . . with Christ
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
23 MARSO 2014 IKA-3 LINGGO YEAR A
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sa Balon Inuman...Kasama ni Kristo
A Sacred Pause by the Watering Hole . . . with Christ

Magingat sa labis na pag-inom . . . maliban ang pinili mong inumin ay mula sa bukal ng tubig ng buhay.
Beware of substance abuse . . . unless your substance of choice comes from the wellspring of living water.
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
ANG MGA ARALIN
UNANG ARALIN – Exodo 17 : 1-7 IKA-2 ARALIN – Roma 4 : 1-11 SALMO – Awit 95 IKA-3 ARALIN – Juan 4 : 5-42
ANG PAGBUBULAY
Introduksyon
Ang Paglalakbay sa Libis . . . Kasama ni Kristo ay isang Paglalakbay Tungo sa Karunungan
The journey through the valley. . . with Christ is a learning journey.
Pumunta nga siya sa Sicar na isang lungsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose. Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay kaya umupo siya sa tabi ng balon.
Noon ay mag-iikaanim na ang oras ng araw. (Juan 4:5-6)
So he came to a Samaritan city called Sychar, near the plot of ground that Jacob had given to his son Joseph. Jacob's well was there, and Jesus, tired out by his journey, was sitting by the well. It was about noon. (John 4:5-6)
Minsan nang ginawang alak ng Panginoon Jesus ang tubig sa tapayan, magagawa rin niyang
Pamantasan ng Buhay ang Balong Inuman.
The Lord Jesus Christ once turned water into wine. He is able to turn a watering hole into a university of life.
I
Ang unang yugto ng paglalakbay tungo sa karunungan . . . kasama ni Kristo ay ang pagka-alam kung sino ka sa pamamagitan ng pagka-alam kung sino ang Diyos.
“Kasama ba natin ang Diyos o hindi?”(Exodo 17:7) . . . Tayo na at lumapit, sa kanya ay sumamba at magbigay galang. Lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa atin ay lumalang. Siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan sa kanyang pastulan, mga tupang kanyang inaalagaan (Awit 95:6-7)
I
The first stage of the learning journey is knowing who we are by knowing who God is.
"Is the Lord among us or not?”(Exodus 17:7) . . . O come, let us worship and bow down, let us kneel before the Lord, our Maker! For he is our God, and we are the people of his pasture, and the sheep of his hand. (Psalm 95:6-7)
II
Ang ika-2 yugto ng paglalakbay tungo sa karunungan kasama . . . ni Kristo ay ang pagka-alam kung ano ang paraan ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagka-alam kung ano ang paraan ni Kristo...
Kaya nga, yamang tayo ay pinaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong JesuKristo. Sa pamamagitan din niya tayo ay nagkaroon ng daan patungo sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya . . . ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. (Roma 5:1-2, 8)
II
The second stage of the learning journey is knowing the way of peace by knowing the way of Christ.
Therefore, since we are justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ . . . God proves his love for us in that while we still were sinners Christ died for us. (Romans 5:1, 8)
III
Ang ika-3 yugto ng paglalakbay tingo sa karunungan . . . kasama ni Kristo ay ang pagka-alam sa oras ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagka-alam kung Sino ang tumatawag sa atin.
“Narito ang tubig, magsiparito kayong mga nauuhaw!” Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama, sa Espiritu at sa katotohanan sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa kaniya. Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan. (Juan 4:23)
III
The third stage of the learning journey is knowing the hour of our salvation by knowing Who it is
who bids us, “Come to the water and be filled!”
But the hour is coming, and is now here, when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for the Father seeks such as these to worship him. (John 4:23)
Ang bawat taong uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan. (Juan 4:13-14)
Jesus said . . . "Everyone who drinks of this water will be thirsty again, but those who drink of the water that I will give them will
never be thirsty. The water that I will give will become in them a spring of water gushing up to eternal life." John 4:13-14
____________________________________________________________________________
As we journey on through the valley...with Christ, let us bring the books we read, the songs we sing, the reflections we write,
the pictures we keep and the people we love.