kabuhayang kabisig
WAY OF DISCIPLESHIP
ORGANIZATIONAL STRUCTURE MANUALS OF POLICIES SYSTEMS AND PROCEDURES
LINGAP SA KABATAAN LINGAP SA KASAMBAHAY 'SANG KUSING . . . 'SANG LINGGO
keeping the conversation going . . .
1 August 2015
Daan ng Pagka-Alagad
Samantala, si Saulo ay namumuhay sa pagbabanta at pagpatay sa mga alagad ng Panginoon. Siya ay pumaroon sa pinakapunong-saserdote. Humingi siya ng mga sulat para sa mga sinagoga ng Damasco. Sa ganoon, ang sinumang masumpungang niyang nasa Daan, maging mga lalaki o mga babae ay madala niyang nakagapos patungo sa Jerusalem. Sa kaniyang paglalakbay, nang malapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit na tulad sa kidlat. Siya ay nadapa sa lupa at nakarinig siya ng isang tinig na nagsasabi sa kaniya: Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Sinabi niya: Sino ka ba Panginoon? Sinabi ng Panginoon: Ako si Jesus na iyong pinag-uusig. Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga pantaboy na patpat. Nanginginig at nagtatakang sinabi niya: Panginoon, ano ang ibig mong gawin ko? Sinabi ng Panginoon sa kaniya: Tumindig ka at pumunta sa lungsod at sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin (Acts 9:1-6) . . . May isang alagad sa Damasco na nagngangalang Ananias. Sa isang pangitain, sinabi ng Panginoon sa kaniya: Tumindig ka at pumaroon sa lansangang tinatawag na Tuwid. Ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isang nagngangalang Saulo na taga-Tarso sapagkat nananalangin siya ngayon. Sa pangitain nakita ni Saulo ang isang lalaking ang pangalan ay Ananias na lumapit sa kaniya. At ipinatong ni Ananias ang kaniyang kamay kay Saulo upang siya ay makakita. . . sinabi ng Panginoon sa kaniya: Pumaroon ka. Ito ay sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil, sa harapan ng mga hari, at ng mga anak ni Israel (Acts 9:1-6; 11-15) . . . Si Bernabe ay pumunta sa Tarso upang hanapin si Saulo. At nang siya ay matagpuan niya, dinala niya siya sa Antioquia. Nangyari na sa buong isang taon, sila ay nakipag-tipon sa buong iglesiya. Sila ay nagturo sa maraming tao. Ang mga alagad ay unang tinawag na mga Kristiyano sa Antioquia. (Gawa 11:25-26)
I
Unang nakilala ang mga Alagad ng Panginoon sa katangian ng Daan na pinatahak Niya sa kanila May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. (Kawikaan 14:12) Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan sapagkat ang maluwang na tarangkahan at malapad na daan ay patungo sa kapahamakan. Marami ang patungo roon. Subalit ang makipot na tarangkahan at makitid na daan ay patungo sa buhay. Kakaunti ang mga nakakasumpong nito. (Mateo 7:13-14) Sinabi ni Jesus : Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko. (Juan 14:6)
Ito ang mga katangian ng Daan ng Pagka-Alagad : matuwid, makitid, makipot ang tarangkahan . . . ang pangalan nito ay katulad ng pangalan ng Tinig sa gitna ng nagliliyab na mababang punong kahoy sa bundok ng Horeb ( Exodo 3:14) : AKO . . .
Maaari din itong tawagin : Ang daan ng Pakikipag-Isa kay Cristo. Sa karanasan ni Pablo, Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago. (2 Corinto 5:17)
Sa ekonomiya ng Kabisig Community MPC, bawat kasapi ay kaisa kay Cristo!
II
Ang isa pang katangian ng Daan ng Pagka-Alagad : mga dakilang gawa - Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya . . . At sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sa kanila'y sinabi, Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila'y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila. Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo; At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat. Sapagka't ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami. (Marcos 10: 42-45)
Maaari din itong tawagin : Ang daan ng Pakikipag-lingkod kay Cristo. Sapagka't tayo ay mga kamanggagawa ng Diyos (1Corinto 3:9) Bilang kamanggagawa, hinihimok namin kayo. Huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. (2 corinto 6:1)
Kung kakawit-bisig natin ang Diyos kay Cristo Jesus. ang tunay nating lakas ay mula sa Kanya. May pagsasanib lakas sa pagkakawit-bisig .
Sa ekonomiya ng Kabisig Community MPC, bawat kasapi ay kabisig kay Cristo!
III
Ang isa pang katangian ng Daan ng Pagka-Alagad : ang dakilang pag-a-alay - Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa't isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa't isa. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa't isa. (Juan 13:34-35) Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan. (Juan 15:13)
Maaari din itong tawagin : Ang daan ng Pakikipag-Alay kay Cristo. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Mananatiling nag-iisa ang butil ng trigo malibang ito ay mahulog sa lupa at mamatay. Kapag ito ay namatay, mamumunga ito ng marami. (Juan 12:24) Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin. (Mateo 16:24) Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan ninyo sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. Siya nawa! (Mateo 28:19-20)
Ang yugtong rin ito ang tampok na yugto sa ating pakikipaglakbay sa Panginoon - ang paglalakbay tungo sa Kaganapang Kristiano (Christian Perfection). Naniniwala si John Wesley na isang banal na pagkakatiwala ang katuruang ito para sa mga Mananampalatayang Tinaguriang Mga Metodista :
"Kaya nga, kayo ay magpakasakdal tulad ng inyong Ama na nasa langit ay sakdal. (Mateo 5:48)
Angkinin natin twina ang pangako ng Panginoon sa kaaliwan ng ating mga puso : At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. (Mateo 28:20) Gayon din ang bendisyon ng Diyos sa pamamagitan ni John Wesley : "Ang pinakamagaling sa lahat . . . ay kasama natin ang Diyos!
Sa ekonomiya ng Kabisig Community MPC, bawat kasapi ay kaakbay kay Cristo!
Alex Lopez Saclayan
General Manager
Kabisig Community MPC
